Pages

Police Report

Wednesday, October 24, 2012

Zamboanga del Sur, hindi nakaligtas sa hagupit ng “Bagyong Ofel”


 


By Ely Dumaboc

Tawagan Sur Nat'l High School
Naging perwisyo ngayon sa mga taga Zamboanga del Sur lalo na sa mga mag-aaral na higit na naapektuhan sa malakas na pagbuhos ng ulan na dala ng hagupit ng Bagyong Ofel, na nagsimula pa kagabi.

Katulad nitong Tawagan Sur National High School sa Pagadian City dito sa lalawigan ng Zamboanga del Sur na halos nangalahati ang kanilang gusali sa tubig ulan na kumalat sa ilang ektaryang palayan at kabahayan sa iba pang mga bayan sa lalawigang ito.

Sinabi ni Tawagan Sur Barangay Captain Mendato "Teng" Marcaban na lubog na sa



Tawagan Sur Barangay Captain 

Mendato"Teng" Marcaban super-

vised the retrieval of computers 

inside the rooms (Photo by Jong 

Cadion)


tubig ang mga eskuelahan na sakop ng kanilang Barangay, at posibleng maantala ang klase ng mga mag-aaral kung magpapatuloy ang buhos ng ulan hanggang bukas.

Aminado si Marcaban na kinapos ang taas ng dike na kanilang ginawa bilang paghahanda sa ganitong mga kalamidad, dahil sa di inaasahang taas ng tubig ulan bunsod sa patuloy pang pagkilos ni Ofel dito sa Mindanao.

Nakaantabay na rin ang ilang mga Barangay Opisyal at ilang kinatawan sa lalawigan sa
mga lugar na tinamaan ng pagtaas sa tubig ulan.


Hanggang beywang na ang lalim

Ng tubig baha.(Photo by J. Cadion)

Sa apat na bayan sa Dumingag, Molave, Mahayag, at Tambulig ay lumubog na rin kanina, pero sinabi ni Molave Vice Mayor Flavio Saniel na ligtas na ang dalawang pung

limang pamilya doon dahil sa mga naunang rescue training na kanilang ginawa sa

kanilang mga kababayan.

Nagpasalamat ang Bese Alkalde sa Office of Civil Defense dito sa Zamboanga Peninsula sa walang tigil naman na pagbibigay na kaalaman sa mga mamamayan dito na may kaugnayan sa mga di inaasahang mga kalamidad.

          Coast Guard blamed owners of Fishing Boat on the incident: 2 killed 4 missing