Pages

Police Report

Tuesday, January 29, 2013

245 MAGSASAKA SA 7 BAYAN SA MAG, Nagtapos NG FFS SA ILALIM NG JICA TCP5

COTABATO CITY - Nagtapos kahapon sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex dito sa lungsod ang dalawang daan at apatnaput limang (245) mga magsasaka mula sa pitong bayan sa Maguindanao na sumailalim ng tatlong buwang Farmers' Field School o FFS.

Ayon kay Dr. Salik B. Panalunsong, provincial agricultural officer ng Maguindanao, ang naturang mga magsasaka ay mula sa Pagalungan, Datu Paglas, Sultan Kudarat, Guindulungan, Datu Saudi, Salibo at Datu Piang ay naturuan ng mga DA extension workers ukol sa package of technology ng pagtatanim ng palay sa pamamagitan ng FFS kung saan tampok sa pagtuturo ang actual na mga gawain sa sakahan.
   
Dagdag pa ni Panalunsong na bahagi ito ng Technical Cooperation Project  o TCP 5 na pinupondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ipinapatupad naman ng Department of Agriculture and Fisheries, Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Integrated Agricultural Research Center ng ARMM at sa pakipagtulungan ng Local Government Units.

Hangarin ng TCP 5 na tatas ang produksiyon ng palay at madagdagan ang kita ng mga magsasaka upang makamit ang kapayapaan at kaayosan sa ARMM, ani Panalunsong.

Naging panauhin sina JICA Senior Specialist for ARMM KAzudo ZUO, ARMM Cabinet Secretary Nurkalila Campong na kumatawan kay Governor MUjiv S. Hataman, Regional Secretary Marites Maguindra, PhilRice Branch Manager Dr. Rodolfo Escabarte at iba pang opisyales.
       
Naging mahalagang bahagi din ng naturang okasyon ang pamamahagi ng diploma at starter seeds sa mga nasipagtapos at pagbigay ng impresyon ng farmer-leader ng bawat grupo.           
Samantala, sa pagpapatupad ng naturang field schools, isa sa mga FFS na binisita ng mga opisyales ng JICA at TCP 5 ay ang field school ng mga farmer-beneficiaries ng Barangay Magaslong, Salibo kung saan ang kanilang sakahan ng palay ay nasa bahagi ng Ligawasan Marsh. Ang ginawang kamang-punlaan ay water hyacinth na nasa tubig at ito ay binaliktad na may sukat na 4ftx 8ft.

Nilagyan ito ng lupa mula sa ilalim ng tubig at ipinorma ito gaya ng karaniwang kamang-punlaan na nakikita natin sa mga palayan.

Gumawa pa ng maraming kamang-punlaan ang mga magsasaka doon din mismo sa marshy area ng nasabing barangay para doon ilipat-tanim ang punla ng palay.

Napag-alaman mula sa mga Hapones na nakakamangha ang naturang FFS dahil ang nakita nila sa ibang lugar ay nilalagyang ng floaters ang mga kamang-punlaan para hindi lulubog sa tubig, subalit ang gawa ng mga magsasaka ng Barangay Magaslong ay hindi nilagyan ng floaters ang punlaan kundi itinali na lamang ang magkabilang dulo ng kamang-punlaan sa poste ng kawayang upang hindi madala ng agos ng tubig o maanod. (PRESS RELEASE  FROM RAFID-ARMM)   

No comments:

Post a Comment