Pages

Police Report

Tuesday, July 2, 2013

DA- LGU Pinaiigting ang kampanya sa wastong pangangalaga ng hayop

COTABATO CITY - Pinaiigting ng kagawaran ng pagsasaka sa buong bansa ang kampanya sa wastong pangangalaga ng hayop na nakasaad sa 1998 RA # 8485.  Ito ang naging buod ng katatapos lamang na 2nd mid-year Animal Welfare Information Planning Assessment Seminar-Workshop na ginanap sa Bacolod Pavillon, Bacolod City noong June 18-21, 2013.

Ito ay dinaluhan ng mahigit tatlumpong mga veterinary doctors na naitalaga bilang Regional Animal Welfare Officers (RAWO) kasama ang mga Regional Agriculture and Fisheries Information (RAFID) Chief at Local Government Unit (LGU) mula sa 16 na rehiyon ng bansa. Ang ARMM ay kinatawanan nina RAFID Chief Kadiguia Abdullah at Animal Welfare Officer Dr. Raheima Amba.

Tampok sa naturang aktibidad ang pagbigay ulat sa mga nagawa ng bawat rehiyon kabilang ang issues and concerns hingil sa proseso ng Animal Inspection, registration ng animal facilities gaya Veterinary Clinic, zoos, at paaralarang may animal laboratory.

Nagbigay din ng ulat sa estado ng registration ng dalawang slaughter house sa General Santos sa ilalim ng Australian Standard.

Mariing ipinaliwang ni Engr Emelita Dagananan ng DILG-CO ang tungkulin ng LGU hinggil sa pagpapatupad ng Animal Welfare program at ang joint circular ng DA at DILG hinggil sa deputation ng Animal Welfare Officer sa mga probinsiya, lungsod at 1st class municipalities.

Ang Animal Kingdom Foundation sa pamamagitan ni Atty. Heidie Coquia ay ibinahagi din ang experiences at ilang kaalaman hinggil sa pagsalamuha nila sa community protecting the welfare of animal.

Naging mahalagang bahagi din sa akibidad ang stratetegic communication workshop na pinangasiwaan nina Ms. Marikit Castello at Ms. Elaine llanera ng UPLB. Dito ang priority na target audience ng Animal Welfare practices & behavior, what needs to be done, messages at media channel na gagamitin para maparating ang tamang mensahe.

Ang output ng workshop sa paggawa ng Information Education Campagin material ay pararamihin sa rehiyon at ipamahagi sa trainings, meetings, caravan bilang panimula ng adbokasiya. Ang mensahe ay nakatuon sa limang animal welfare freedom gaya ng: Freedom from hunger at thirst’ Freedom from discomfort; freedom from pain injury or disease; freedom from express normal behavior at freedom from fear and distress.

Nagtapos ang adktibidad sa pamamagitan ng educational tour sa stock farm at ranso ng Negros Occidental sa Sta. Rosa, Murcia na pinangangasiwaan ng Provincial Veterinary Office. (rafid-armm)

No comments:

Post a Comment