Pages

Police Report

Tuesday, December 25, 2018

MGA BIKTIMA NG BAGYONG VINTA NOONG ISANG TAON GINUNITA ANG KANILANG KARANASAN



MARANDING Lala Lanao del Norte (Dec. 25, 2018) - "Pagtutulongan at Pagkakaisa kasama ang panalangin sa Panginoon" ito ang sinabi ni Shemy Marie Yap Undag Salimbangon ng kanilang ginunita ang isang taon pananalasa ng bagyong vinta noong 2017 sa Barangay Maranding Lala Lanao del Norte.

Sa paggunita sa mga residente, kanilang binalikan ang kanilang karanasan nung panahon na nanalasa ang bagyong vinta sa kanilang lugar kung saan ilan sa kanila nawalan ng bahay at ang iba nawalan ng mga kamag-anak at mahal sa buhay. Isang residente din ang hindi parin makapaniwala sa nangyari na binaha ang kanilang lugar.

Daan daang nga residente ang naapektuhan at mahigit 40 ka mga bahay ang nasira at inanod sa nabanggit na barangay. Ang ibang apektado ay nakisilong sa NCMC isa sa pinakamalaking Paaralan sa Lanao del Norte.

Ilang mga kawani din sa nabanggit na paaralan ang nagbigay ng tulong sa mga residente at ang iba ay apektado rin maging ang may ari ng paaralan ay naapektuhan pero hindi sila huminto sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo at tuloy tuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong maging ang mga opisyal sa ng Bayan at ng Probinsya.

Ngayung ginunita ang isang taon ng pananalasa ng bagyo, nagsasagawa ang NCMC kasama ang ACT Foundation ng isang Pasasalamat 2018 isang Praise and Worship at Panalangin at namimigay din ito ng regalo sa mga pamilya na minsan ng nabiktima ng bagyo.(Mike Navarro)

No comments:

Post a Comment