Pages

Police Report

Thursday, December 6, 2018

SULAT NG PAMAMAHAYAG NG TABOLI-MANOBO S’DAF CLAIMANTS ORGANIZATION (TAMASCO) PARA SA IKA-ISANG TAONG ANIBERSARYO NG TAMASCO KILLING.




 Ang teritoryo ng Taboli-Manobo ay nasapagitan ng Probinsiya ng TimogKutabato, Sarangani at Sultan Kudarat. Nagingisaitong legal naorganisasyonnarehistradosailalim ng Department of Labor and Employment (DoLE) noon pang September 2006. Kasabaynito ang aplikasyon para saAncestral Domain Title nanaaprubahannamannoong October 3, 2013 na may Ancestral Domain Title No. R12-SUR-1013-163.

Ang pagbibigay ng proteksyon ng Taboli-Manobo sakanilanglupaingninuno ay bunsod ng pagkakaroon ng overlapping ng mga tenurial instruments at mgapolisiyasamatagalnapanahon. Ang Integrated Forest Management  Agreement (IFMA) 022 ng SII ng mgaConsunji, Coal Operating Contracts (CoC) ng Consunji at ng SMEDC, General Isulan Mining Corporation (GIMC) a Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) sailalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sailalim ng Department of Agrarian Reform (DAR) STAR project, TasadayB’lit  Reservation, Allah Valley Protected Watershed Forest Reserve, Kabulnan Watershed Forest Reserve, boundary conflicts sapagitan ng mgaprobinsiya ng South Cotabato, Saranganiat Sultan Kudarat at ang Ancestral Domain of the Taboli-Manobo S’daf Claimants Organization.

Sa ganitongkalagayan, napapatibay at nabibigyan ng kasegurohanpa laloang mgainteres ng malalakingkumpanyagaya ng DMCI-Consunji at ng SMEDC ang kanilangmgainteressalugar. Dahilannito ang hindipagtalima ng mgaahensiya ng pamahalaansaanumangusapan at mgakasunduan. Kapalitnamannito ang kawalan ng pag-asa ng mgaTaboli-Manobo namapasa-kamaynito ang kontrol at pagmamay-arisakanilanglupaingninuno. Kasabaynadito ang kawalan ng social services, seguridad at hustisya.

Malaki rin ang pagkabahala ng TAMASCO namagpahanggangsangayon ay walangginawanghakbang ang ahensiyangnaatasan para saproteksyon ng tribu, ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Patuloy ang pagsasawalangkibonitosalahat ng paglabagsakarapatan ng Taboli-Manobo S’daf Claimants Organization.

Ang malawakan at tuloy-tuloynapaglabagsakarapatangpantao ay hindinawawalasaloob ng teritoryo ng Taboli-Manobo. Bunsoditoang iba’t-ibangsitwasyon at estado ng iba’t-ibangmgaproyekto at polisiyasalugar. Nagingmatagal ng isyu at usapin ang pagtatago ng mgalideres ng TAMASCO, operasyong military, paggamit ng dahas at pananakot ng mgaSCAAnasiya ringcompany guardsng Consunji. Dayalugo, pagsusumite ng mgadokumento, petisyon at iba pang legal namgaparaan ang sagot ng TAMASCO. Ngunit,sakasamaangpalad, walaniisasamgaresponsablengahensiya ang nagbigay ng pangmatagalanglunas.

Sa loob ng mahigitsadalawampungtaonng pakikibaka, siDatu Victor Danyankasama ang mgakasapi ng kanyangkonseho(TAMASCO) ay buongsugidnanakikiharapsamgaahensiyasapanahon ng mgapag-aaral, dayalugo, kumperensiya, komprontasyon at pakikipag-komunikasyon. Hanggangsamawalanito ng pag-asasapaniniwalangnilolokolamangsila ng gobyernongkanilangpinaniniwalaan. Ngunit, hindiitonagingdaanupanggumawa ng mgahakbangnalabagsabatas o umanibsaanumanggrupongkumakalabansagobyerno.

Ang anumangaksyonnaginawaniDatu Victor upangbawiin at proteksyunan ang kanyangteritoryo ay nararapatlamangupangmatugunan ang matagalnapanahonnahindiipinagkaloob ng gobyerno. Ito ay ang PAGPROTEKTA AT PAGRESPETO SA AMING KARAPATANG PANTAO. Ang amingginawangpaggiitsapangungunaniDatu Victor sampung amingnasasakupansaaming KARAPATAN SA LUPAING NINUNO ay nararapatlamang.


DAHIL DITO, ANG TABOLI-MANUBO S’DAF CLAIMANTS ORGANIZATION (TAMASCO) AY IDENIDEKLARA ANG MGA SUMUSUNOD:
1.   Si DatuVictor Danyan, Sr., mgaanaknasina Victor Danyan, Jr. at Artemio Danyan, EdmundoP. Ceralbo.Jr. (son in law), mgakamag-anaknasina Samuel Angkoy, Mating BalabaganBatal, Toto Diamante kasama ang iba pang sugatanat mganawawala ay hindimgakasapi ng New People’s Army (NPA).

2.   Ang komunidadDatalBonlangon ay pagmamay-ari ng clan niDatu Victor at parte ng TAMASCO. Ito ay isang regular na Sitio sailalim ng Brgy. Ned. Lake Sebu, South Cotabato. Mayroonitong Sitio Plaza, Day Care Center at Simbahan at HINDI ITO KAMPO NG NEW PEOPLE’S ARMY (NPA).

3.   Ang IFMA 022 ng Consunji ay sumakopsamalawaknalupainng DatalBonlangon, Segowet, TawanDagat, Tuburan, Tulale. Dahil dito ay naglagay ng mga detachment ng SCAA at company guards saloob ng komunidad ng DatalBonlangon o saloob ng nasasakupanng claims niDatu Victor. Kasama samgaeryangbinawiniDatu Victor nakapaloob ang mga detachment naito. Ito ay hindikampo ng NPA kundimga dating detachment napagmamay-ari ng Consunjisaloob ng teritoryo ng TAMASCO.

4.   Ang operasyon ng Integrated Forest Management Agreement (IFMA) 022saloob ng TAMASCO ay illegal. Nataposna ang kontratanito noon pang Disyembre 31, 2016 at hindi kami nagbigay ng pahintulot (consent-FPIC) para sa extension nito. Ang SCAA nasiya ring nagsisilbing company guards, nanasailalim ng pamamahala ng military saisang illegal naoperasyon ngsinasabinilangbagong IFMA 18-2007 ng SII/DMCI.
                             
5.   Ang mgakumpanyang Silvicultural Industries Incorporated (SII) at ang M & S ay pagmamay-ari ng DMCI.

Ang lahat ng pangyayari sa loob ng aming teritoryo, ang aming pagiging matagal nabiktima ng kawalan ng hustisya at paglabag sa aming karapatang pantao ang humubog sa aming pagiging tribu upang maging matapang at may paninindigan. Dahil dito, iba’t-ibanguri ng paglabag at paglapastangan ang aming naranasan. Magpahanggang sa ngayon, kinamatayan na lamang ng aming pinuno (Datu Victor), mga anak nito at mga kamag-anak. Kawalan pa rin ng hustiya at pagbabalewala ang aming nakikita.

KASABAY NITO, HINIHILING NAMIN NA KAGYAT NA MAPAGTIBAY AT MAGKAROON NG KATUPARAN ANG MGA SUMUSUNOD:
1.   Pagkakaroon ng malalim at malawak na imbistigasyon sa lahat ng mga pangyayaring pag-abuso sa kapangyarihan, pagabuso sa karapatan, pagpatay at iba pang pangyayari sa loob ng teritoryo ng TAMASCO. 

2.   Kagyat na pagbalewala sa IFMA 18-2007 at pag ibestiga sa lahat ng mga sangkot na ahensiya ng pamahalaan.

3.   Kagyat na pagpatigil ng operasyon gmilitar sa loob ng nasasakupan ng TAMASCO ganun din ang pagbabawal sa mga SCAA, company guards, New People’s Army (NPA) napumasok sa loob ng teritoryo ng TAMASCO upang mabigyang daan ang mga imbestigasyon at anumang gawain kaugnay sa mga nauna at huling mga pangyayare sa loob ng teritoryo ng TAMASCO.

Ang pamahayagvnaito ay pinagtibay ng mga kasapi ng Tribal Council ng TAMASCO.



DANDE DINYAN
Chieftain
Taboli-Manubo S’daf Claimants Organization

No comments:

Post a Comment