Pages

Police Report

Tuesday, November 20, 2012

3RD CLUSTERED ORIENTATION AND COORDINATION MEETING HUNGER ALLEVIATION AND IMPROVED NUTRITION (HAIN) PROGRAM GINANAP SA BULUAN

COTABATO CITY – Itinaguyod sa Provincial Government ng Maguindanao at ng National Nutrition Council ang Ikatlong Clustered Orientation and Coordination Meeting ukol sa programang HAIN o Hunger Alleviation on Improved Nutrition na idinaos sa bayan ng Buluan kahapon , Nobyembre 13, 2012.



Ayon kay Maguindanao Provincial Agricultural Officer Dr. Salik Panalunsong, naging mahalag ang pinag-usapan sa nasabing pulong ang mga epektibong pamamaraan upang sabay-sabay na maihatid sa mga kleyente nito ang kani-kanilang serbisyo na tumutugon sa programang HAIN. Mas makikita aniya ang impact ng programa kung sama-sama at sabay-sabay ipinapatupad ng mga agensiyang pamahalaan at mas malawak ang marating at maraming mamamayan ang makikinabang sa nasabing programa.

Dumalo rin si DAF-ARMM Regional Secretary Marites Maguindra sa naturang pagpupulong kung saan inihayag niya ang kanyang buong pagsuporta sa anumang program of activities na ipapatupad ng probinsya at ng DAF-ARMM na may kaugnayan sa HAIN program. Si Secretary Maguindra ay bumisita rin sa tanggapan ni Governor Datu Esmail “Toto” Mangudadatu sa Buluan.

Maliban sa pagtalakay sa mga plano ng iba’tibang ahensya ng pamahalaan, ipinahayag na rin ang message of support ng mga alkalde ng walong clustered municipalities sa pamamagitan ng kanilang representative na kalahok sa nasabing pagpupulong. Ito ay kinabilangan ng bayan ng Buluan, Pandag, Mangudadatu, Paglat, Paglas, Gen SK Pendatun, Pagalungan at Montawal.

Iniulat din ni Dr. Eloisa Usman, ang Regional Nutrition Coordinator ng ARMM ang mga updates at overview ukol sa HAIN program at mga naging buod ng una at pangalawang clustered meeting kamakailan.(RAFID-ARMM)