Pages

Police Report

Tuesday, November 20, 2012

P1 MILYONG HALAGA NG PROYEKTO IPINAGKALOOB NI GOV. MANGUDADATO SA MGA KABABAIHANG MIYEMBRO NG RIC


Maguindanao Governor Datu Esmail 
Toto Mangudadatu
COTABATO CITY - Isang milyong piso (P1M) ang halagang proyekto ang ipinagkaloob ni Maguindanao Governor Datu Esmail Toto Mangudadatu para sa mga kababaihang miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) sa Maguindanao. 
Ito ay inihayag ng gobernador sa idinaus na general assembly RIC sa Buluan, Maguindanaon noong Nobyembre 14, 2012.  Ito ay dinaluhan ng mahigit tatlong libong mga kababaihan mula sa tatlomput anim na bayan ng Maguindanao.


Ito ay malugod namang tinanggap ni Provincial RIC President Bai Sarika Pendatun at kanyang isinangguni sa iba pang opisyales  at sa mga first ladies (mga asawa ng mayors) na miyembro na rin ng RIC kung anong proyekto ang kanilang paglalaan ng naturang tulong mula sa gubernador tungo sa pagunlad ng kanilang samahan.

Naging panauhing tagapagsalita rin si DAF-ARMM Regional Secretary Engr. Marites Maguindra sa naturang asembilya ng mga kababaihan. Hinikayat niya ang naturang grupo na maging aktibo at gawing entrepreneur ang kanilang samahan. Makaka-asa kayo ng buong suporta ng DAF sa abot ng makakaya upang matamo ang minimithing tagumpay.

Pinapag-usapan din sa asembilya ang magiging direksiyon ng RIC sa taong 2013.

Naging agenda na rin ng pulong ang registration, strengthening the RIC and womens organization at ang kanilang partisipasyon sa nalalapit na founding anniversary ng lalawigan ng Maguindanao. (RAFID-ARMM)