Maguindanao Governor Datu Esmail Toto Mangudadatu |
Ito ay malugod namang tinanggap ni Provincial RIC
President Bai Sarika Pendatun at kanyang isinangguni sa iba pang opisyales at sa mga first ladies (mga asawa ng mayors)
na miyembro na rin ng RIC kung anong proyekto ang kanilang paglalaan ng naturang
tulong mula sa gubernador tungo sa pagunlad ng kanilang samahan.
Naging panauhing tagapagsalita rin si DAF-ARMM
Regional Secretary Engr. Marites Maguindra sa naturang asembilya ng mga kababaihan.
Hinikayat niya ang naturang grupo na maging aktibo at gawing entrepreneur ang
kanilang samahan. Makaka-asa kayo ng buong suporta ng DAF sa abot ng makakaya
upang matamo ang minimithing tagumpay.
Pinapag-usapan din sa asembilya ang magiging direksiyon
ng RIC sa taong 2013.
Naging agenda na rin ng pulong ang registration,
strengthening the RIC and womens organization at ang kanilang partisipasyon sa nalalapit
na founding anniversary ng lalawigan ng Maguindanao. (RAFID-ARMM)