By ELY DUMABOC
ZAMBOANGA CITY – Hinimok ngayon ng
National Agriculture Fishery Council (NAFC) ng Department of Agriculture ang
mga kabataan na kumuha ng kursong Agricultura na siyang magiging sagot sa posibleng
kakulangan ng supply ng pagkain lalo na ng bigas sa ating Bansa.
Ayon na rin ng mga magsasaka na dahil sa
mahal ang abono at pesticide na kinakailangang gamaitin sa pagsaka gayong
napakamura naman ang bintahan ng kanilang produkto sa merkado.
Nabaling na kasi ang karamihan ng mga kabataan sa pagkuha ng mga kurso na may kaugnayan sa mga makabagong teknolohiya.
Rice field preparing for planting (Photo by Jong Cadion) |
Base sa pag-aaral sa NAFC na hindi lamang
lumiliit ang lupaing sinasaka ngayon sa ating Bansa sa ginagamit ng mga
Ddeveloper sa proyektong pabahay kundi karamihan wsa mga magsasaka ay hindi na
interesado sa pagsaka.
Seed bed ready for Planting (Photo by Jong Cadion) |
Ito aniya ang dahilan kaya ayaw na raw
nilang maranasan ito ng kanilang mga anak.
Sa ngayon ay pinapaigting pa ng
administrasyong Aquino ang pagboo sa nasabing konseho ng Kagawaran ng Agricultura
sa Bansa para na rin sa ating food security.
Ayon pa kay NAFC Executive Director Ariel
Cayanan na personal n a nagtungo sa Zamboanga Peninsula Region dahil ibig ng
Pangulong Pinoy na Makita ang ugat na dahilan kung bakit iiwanan ng mga
magsasaka ang kinagisnang kabuhayan ng mga Pilipino.
Aniya,nakakabahala ang sitwasyong patuloy
sa paglobo ang bilang ng mga Pilipino pero malawak ang lupaing iniwang
nakatiwang-wangng mga magsasaka.
Nabaling na kasi ang karamihan ng mga kabataan sa pagkuha ng mga kurso na may kaugnayan sa mga makabagong teknolohiya.
Dagdag pa ni Cayanan, dapat umanong gamitin ng ng mga
m,agsasaka ang mga makabagong paraan ng pagsaka na itinurio ng mga ekxperto
para makumbinsi ang karamihan ng mga kabataan na pahalagahan ang pagsaka, dahil
pangunahing kailangan ng tao ay ang pagkain.