COTABATO CITY – Upang
maging maayos at may direksiyon ang implementasyon ng High Value Crops
Development Program (HVCDP) sa ARMM sa ilalim ng bagong pamunuan ni DAF
Regional Secretary Engr. Marites Maguindra, idinaos ang formulation and
development ng HVCDP roadmap ng mga stakeholders noong October 29-31,2012 na
ginanap dito sa lungsod ng Cotabato.
Bilang chairperson ng Regional Economic and Development
Committee sa ARMM inihayag ni Secretary Maguindra na sisikapin niyang may
magagawa ang komite sa pag-unlad ng sektor ng high value crops sa ARMM.
Hinimok na rin niya ang mga stakeholders na gawing
komprehensibo, kompleto at makatutuhanan ang datos ng bubuuhing roadmap para
maging kapakipakinabang sa ARMM at sa Bansa Moro government kung ito ay ganap
na ipapatotupad na.
Ang HVCDP ay isa lamang sa banner programs sa ilalim ng
Agri-Pinoy at HELPS Programs na ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon na
may layuning matugunan ang pangangailangan ng Pilipino sa gulay, prutas,
industrial crops at staple food.
Sa ARMM, ang priority commodities ng HVCDP para sa gulay ay
yaong mga sangkap sa lutong chopsuey at pinakbet gaya ng ampalaya, (Talong,
Kalabasa, Sitao at Okra), sa prutas naman ay durian,
mangosteen, mangga, saging at kabilang na rin ang kape, goma at cassava.
Sa nabuong roadmap, ang mga nabanggit na commodities ay
malalaman kung saang bayan sa rehiyon ang may produksiyon, gaano ito kalawak at
kung mayroong expansion areas, sinu-sino ang mga namamahala, saan ang merkado
nito at magkano ang bentahan sa loob ng 2012-2017..
Ang nasabing roadmap formulation and development ay dinaluhan ng
mahigit sa walumpong stakeholders nakinabibilangan ng mga provincial, city at
municipal agricultural officer, HVCDP provincial coordinators, planning
Officers, farmer-leaders at mga kinatawan ng mga cooperatives, academe,
non-government organizations at iba pang sangay ng pamahalaan mula sa mga
lalalwigan at ciudad ng ARMM.
Nagsilbing facilitators at panneslist sa naturang workshop Sina
Crops Chief Jalika D. Mangacop, PMED Chief Iskak L. Paguital at HVCDP
Coordinator Ali K. Tatak.
Sa closing program, iginawad nina Sec. Maguindra, ASEC Disimban
at Dir. Kally Dimalen sa mga Provincial Agricultural Officers kasama ang mga
PIOs ang siyam na klaseng HVCDP at FSSP technoguide na may kabuang dami na
6,360 copies para ipamahagi sa mga MAOs, ATs, LGU at stakeholders sa kanilang
lugar.(rafid-armm)