Welcome to MINDANAO PAGADIAN FRONTLINE Your Paperless and Independent News and Information Service based in Pagadian City EMAIL us: jongcadz@gmail.com or call/text at mobile number 09481487880 or 09159166261 for your news and articles submissions.

Thursday, November 15, 2012

RG HATAMAN, INILUNSAD ANG BANANA PLANTATION PROJECT NG DEL MONTE SA BAYAN NG DATU ABDULLAH SANGKI, MAGUINDANAO

ARMM Governor Mujiv Hataman
COTABATO CITY - Pinangunahan ni ARMM OIC Regional Governor Mujiv Hataman ang  paglunsad ng Cavandesh Banana Plantation ng Del Monte Delinanas Development Corporation sa bayan ng Datu Abdullah Sangki (DAS), Maguindanao, noong Novenber 13, 2012.

Ang uupahang lupain na paglalagyan ng plantation ay may initial na lawak na mahigit sa limang daang (500 has.) ektaryang  na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga benepisaryo ng agrarian reform program. 

Ang initial project cost ng del monte ay tinatayang punto anim (P0.6B)  na bilyong piso na makapag-empleo ng isang libong (1,000), manggagawa. Ang expansion area na  aabot sa kabuuang dalawang libong (2,000 has.) ektarya  na sumailalim  pa sa transfer action ay pag-uusapan pa sa susunod na linggo sa pagitan nina  RG Hataman at top management ng Del Monte. Positibong malulutas  ng magkabilang panig ang balakid ng ito.

Sa mensahe ni Regional Governor Hataman, kanyang sinabi na pakay ng ating pamahalaan ay paano ituwid ang baluktot at itama ang maling pamamaraan ng nakaraan. Ito ay hindi rin successful kung hindi natin sasabayan ng economic programs tulad nito. isinama ko na rin dito ang mga opisyales natin mula sa Regional Board of Investment (RBOI), DAR, DAF, DENR at DOLE para matugunan ang suliraning may kinalaman sa proyekto at hindi na matatagalan  pa ang pagtatayo at pag-organisa ng plantasyon, dadag pa ni Hataman.

Nangako  rin si Governor Hataman na kung ano ang kailangan sa pamahalaan, hindi lamang sa level ng regional government, kahit aabot pa sa mas mataas na level ng ating pamahalaan ay titiyakin naming na mapa-abot upang mapabilis ang economic development hindi lamang sa Datu Abdulah Sangki kundi sa buong rehiyon ng ARMM.

Biniro pa ng Gubernornador si Portuguez Marquez,  ang Costa Rican na tagapamahala ng Del Monte sa lakas-look  nilang pumasok at mamuhunan sa ARMM, taliwas sa negatibong perception  sa rehiyon. Kung kayat hinamon niya ang del monte na magkaroon din ng expansion program sa Tawi-tawi, Sulu at Basilan.

Samantala, inihayag naman ni DAS Vice Mayor Datu Samsudin Sangki, ang kumatawan sa kanyang  ama na si Mayor Datu Acmad Sangki na sikapin nilang ingatan at pangalagahan ang proyekto dahil malaking paghihirap na ang kanilang ipinuhunan. Ito na ang umpisa na makilala ang bayan ng Datu Abdullah Sangki (DAS) hindi  lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa pa.

 “Buksan natin an gating puso at isipan sa mga pamamaraan na nararapat sa proyekto na walang pag-iimbot at igalang natin ang kultura ng bawat isa maging kristiano man o muslim upang makamit ang tagumpay ng proyekto” ito naman ang sinabi ni Almario  Dacuno, ang land sourcing manager ng Del Monte.

Ang ceremonial planting ng cavandesh ay pinangunahan nina  Governor Mujiv Hataman, Portuguez Marquez, Mayor Datu Acmad Sangki at General Urduyo. Kasama rin sina DAF Regional Secretary Marites Maguindra, DENR Regional Secretary Kahal Kedtag at iba pang mga opisyales at panauhin ng ARMM.
In another development, ARMM Regional Governor Mujiv S. Hataman graced the launching of 500 has. Cavendish banana plantation of Del Monte Delinanas Development Corporation’s in Datu Abdullah town, Maguindanao, on November 13, 2012

In his keynote address, Hataman said “pakay ng ating pamahalaan ay paano ituwid ang baluktot at itama ang maling pamamaraan ng nakaraan. Ito ay hindi rin successful kung hindi sasabayan ng economic programs tulad nito.” “ isinama ko na rin dito ang mga opisyales natin mula sa Regional Board of Investment (RBOI), DAR, DAF, DENR at DOLE para matugunan ang suliraning may kinalaman sa proyekto at hindi na matatagalan pa ang pagtatayo at pag-organisa ng plantasyon”, the Governor said. (PR BY DAF-ARMM)

Inside Stories

Most Read Article

YOUR PAPERLESS and Independent NEWS and Information SERVICE
This NEWS BLOG is set up by MINDANAO PAGADIAN Frontline online editor JONG D. CADION for news archiving purposes and future references. Re-publication of news and photos from this BLOG need permission from the administrators. External links to other websites should not be construed as an endorsement of the views or privacy policies contained therein.