COTABATO CITY - Tinatayang mahigit sa animnapong (60) mga
Barangay Food Terminal (BFT) Operators sa buong Autonomous Region for Muslim
Mindanao (ARMM) ang lumahok sa kauna-unahang Regional BFT Operators' Summit na
ginanap dito sa lungsod ng Cotabato noong October 29-31, 2012.
Sa ngayon, ang bawat cooperative-recipient ay tumatanggap ng
P150,000 na puhunan at mga gamit sa operasyon ng BFT na nagkakahalaga naman ng
P300,000.00. Ang counterpart naman ng mga recipients ay ang pagpapatayo ng
gusali ng BFT at ang loteng kinatitirikan nito, paliwanag pa ni Mosne.
Ang BFT ay proyekto ng Agribusiness Marketing Assistance
Services ng Department of Agriculture, ayon kay Felix Mosne, ang Agribusiness
Chief ng DAF-ARMM. Aniya, mayroong pitumpot tatlong (73) mga kooperatiba sa boong
ARMM ang napagkalooban na ng BFT mula ng ipatupad ang proyekto noong 2008.
Ang BFT ay magselbi ring depot o bagsakan ng mga produktong
direkta mula sa mga sakahan ng mga magsasaka at ibebenta ng farm gate price.
Sa pagbubukas ng naturang summit hinimok ni DAF Regional
Secretary Marites Maguindra ang mga operators na palaguin ang nasabing tulong
ng pamahalaan dahil maswerte na kayo ang nabigyan sa dinami-dami ang gustong
makapag-avail.
Samantala, naging tampok sa dalawang araw na pagtitipon ang
pagtalakay sa mga paksang kapupulutan ng aral at impormasyon ng mga partisipante.
Ipinaliwanag ni Engr. Leandro Gazmin, Director ng Agribusiness Marketing
Assistance Services (AMAS) ng DA-Central Office ang ilan sa mga opurtunidad ng
mga operators.
Ayon kay Gazmin, dadagdagan pa ng DA-AMAS ang mga binigay na
tulong sakaling makitaan ng may maayos na pamamahala ang operator at kung
lumago ang kanilang operaasyon.
Ipinagbigay-alam naman ni Leny Pecson ng DA-AMAS ang guidelines
at mechanics kung papaano makaka sali ang isang Barangay Food Terminal sa Search
for Outstanding BFT, na isa na ngayong kategorya na naitatampok sa Search for
GAWAD-SAKA, ang taunang pagsaliksik ng Department of Agreiculture ng mga
namumukod-tanging indibidwal o grupo ng magsasaka.
Ang itatanghal na outstanding BFT ay makatatanggap ng pabuya ng
magkakahalaga ng P50,000.00 at P300,000.00 para sa regional at national level
ayon sa pagkakasunod.
Ipinaliwanag ng taga Land Bank of the Philippines sa Kidapawan
Branch na si Ginoong Santillanosa ang mga pamamaraan at requirements ng LBP
para makapag-avail ng pautang ang mga cooperatiba.Tinuruan din sila ni Dr.
Norodin Salam ng Cotabato City State Polytechnic College ukol sa Business at
Marketing Strategies at ang paggamit ng SWOT analysis o strength, weakness,
opportunity at threat bilang gabay sa paggawa ng decision na ipinaliwanag naman
ni Tong Abas, Planning Officer ng ARMMIARC.
Nagkaroon din ng presentation ng mga napiling BFT
Operators na may success story, ito ay kinabilangan ng mga grupo ng kababaihan
o Rural Improvement club (RIC) ng Wao at Bacolod sa Lanao del sur at ang
Neo Iranun Multi-purpose Cooperative sa Barira at ang Urban aqua MPC sa Buldon,
Maguindanao
Naging tampok din ang paghalal sa mga opisyales ng kanulang
samahan, ang ARMM Barangay Food Terminal Operators Association. Ang napiling
President ay si Ismael Abdulgani ng Maguindanao; Vice President si
SukarnoSabdani ng Basilan. Secretaries naman sina Bai Sarika Pendatun at Mudar
Abubakar. Treasurer si Mando Guiwan; Auditor si Rodney Apura; PROBedis Kudarat
at Business managers sina Aldon Baksan atHaron Ismael. Sila ay agad na
pinanumpa sa tungkulin ni DAF Assistant Secretary Pendatun Disimban. (RAFID-ARMM)