Pages

Police Report

Friday, November 9, 2012

First ARMM BFT Summit ginanap

COTABATO CITY - Tinatayang mahigit sa animnapong (60) mga Barangay Food Terminal (BFT) Operators sa buong Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) ang lumahok sa kauna-unahang Regional BFT Operators' Summit na ginanap dito sa lungsod ng Cotabato noong October 29-31, 2012.

Ang BFT ay proyekto ng Agribusiness Marketing Assistance Services ng Department of Agriculture, ayon kay Felix Mosne, ang Agribusiness Chief ng DAF-ARMM. Aniya, mayroong pitumpot tatlong (73) mga kooperatiba sa boong ARMM ang napagkalooban na ng BFT mula ng ipatupad ang proyekto noong 2008.
Sa ngayon, ang bawat cooperative-recipient ay tumatanggap ng P150,000 na puhunan at mga gamit sa operasyon ng BFT na nagkakahalaga naman ng P300,000.00. Ang counterpart naman ng mga recipients ay ang pagpapatayo ng gusali ng BFT at ang loteng kinatitirikan nito, paliwanag pa ni Mosne.

Ang BFT ay magselbi ring depot o bagsakan ng mga produktong direkta mula sa mga sakahan ng mga magsasaka at ibebenta ng farm gate price.

Sa pagbubukas ng naturang summit hinimok ni DAF Regional Secretary Marites Maguindra ang mga operators na palaguin ang nasabing tulong ng pamahalaan dahil maswerte na kayo ang nabigyan sa dinami-dami ang gustong makapag-avail.

Samantala, naging tampok sa dalawang araw na pagtitipon ang pagtalakay sa mga paksang kapupulutan ng aral at impormasyon ng mga partisipante. Ipinaliwanag ni Engr. Leandro Gazmin, Director ng Agribusiness Marketing Assistance Services (AMAS) ng DA-Central Office ang ilan sa mga opurtunidad ng mga operators.

Ayon kay Gazmin, dadagdagan pa ng DA-AMAS ang mga binigay na tulong sakaling  makitaan ng may maayos na pamamahala ang operator at kung lumago ang kanilang operaasyon.

Ipinagbigay-alam naman ni Leny Pecson ng DA-AMAS ang guidelines at mechanics kung papaano makaka sali ang isang Barangay Food Terminal sa Search for Outstanding BFT, na isa na ngayong kategorya na naitatampok sa Search for GAWAD-SAKA, ang taunang pagsaliksik ng Department of Agreiculture ng mga namumukod-tanging indibidwal o grupo ng magsasaka.

Ang itatanghal na outstanding BFT ay makatatanggap ng pabuya ng magkakahalaga ng P50,000.00 at P300,000.00 para sa regional at national level ayon sa pagkakasunod.

Ipinaliwanag ng taga Land Bank of the Philippines sa Kidapawan Branch na si Ginoong Santillanosa ang mga pamamaraan at requirements ng LBP para makapag-avail ng pautang ang mga cooperatiba.Tinuruan din sila ni Dr. Norodin Salam ng Cotabato City State Polytechnic College ukol sa Business at Marketing Strategies at ang paggamit ng SWOT analysis o strength, weakness, opportunity at threat bilang gabay sa paggawa ng decision na ipinaliwanag naman ni Tong Abas, Planning Officer ng ARMMIARC. 
   
Nagkaroon din ng presentation ng mga napiling  BFT Operators na may success story, ito ay kinabilangan ng mga grupo ng kababaihan  o Rural Improvement club (RIC) ng Wao at Bacolod sa Lanao del sur at ang Neo Iranun Multi-purpose Cooperative sa Barira at ang Urban aqua MPC sa Buldon, Maguindanao

Naging tampok din ang paghalal sa mga opisyales ng kanulang samahan, ang ARMM Barangay Food Terminal Operators Association. Ang napiling President ay si Ismael Abdulgani ng Maguindanao; Vice President si SukarnoSabdani ng Basilan. Secretaries naman sina Bai Sarika Pendatun at Mudar Abubakar. Treasurer si Mando Guiwan; Auditor si Rodney Apura; PROBedis Kudarat at Business managers sina Aldon Baksan atHaron Ismael. Sila ay agad na pinanumpa sa tungkulin ni DAF Assistant Secretary Pendatun Disimban. (RAFID-ARMM)