Pages

Police Report

Friday, November 9, 2012

ARMM HVCDP Roadmap Preparation Ginanap

COTABATO CITY –  Upang maging maayos at may direksiyon ang implementasyon ng High Value Crops Development Program (HVCDP) sa ARMM sa ilalim ng bagong pamunuan ni DAF Regional Secretary Engr. Marites Maguindra, idinaos ang formulation and development ng HVCDP roadmap ng mga stakeholders noong October 29-31,2012 na ginanap dito sa lungsod ng Cotabato.
Bilang chairperson ng Regional Economic and Development Committee sa ARMM inihayag ni Secretary Maguindra na sisikapin niyang may magagawa ang komite sa pag-unlad ng sektor ng high value crops sa ARMM.

Hinimok na rin niya ang mga stakeholders na gawing komprehensibo, kompleto at makatutuhanan ang datos ng bubuuhing roadmap para maging kapakipakinabang sa ARMM at sa Bansa Moro government kung ito ay ganap na ipapatotupad na.

Ang HVCDP ay isa lamang sa banner programs sa ilalim ng Agri-Pinoy at HELPS Programs na ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon na may layuning matugunan ang pangangailangan ng Pilipino sa gulay, prutas, industrial crops at staple food.

Sa ARMM, ang priority commodities ng HVCDP para sa gulay ay yaong mga sangkap sa lutong chopsuey at pinakbet gaya ng ampalaya, (Talong, Kalabasa, Sitao at Okra), sa prutas naman ay durian, mangosteen, mangga, saging at kabilang na rin ang kape, goma at cassava.

Sa nabuong roadmap, ang mga nabanggit na commodities ay malalaman kung saang bayan sa rehiyon ang may produksiyon, gaano ito kalawak at kung mayroong expansion areas, sinu-sino ang mga namamahala, saan ang merkado nito at magkano ang bentahan sa loob ng 2012-2017..

Ang nasabing roadmap formulation and development ay dinaluhan ng mahigit sa walumpong stakeholders nakinabibilangan ng mga provincial, city at municipal agricultural officer, HVCDP provincial coordinators, planning Officers, farmer-leaders at mga kinatawan ng mga cooperatives, academe, non-government organizations at iba pang sangay ng pamahalaan mula sa mga lalalwigan at ciudad ng ARMM.

Nagsilbing facilitators at panneslist sa naturang workshop Sina Crops Chief Jalika D. Mangacop, PMED Chief Iskak L. Paguital at HVCDP Coordinator Ali K. Tatak.

Sa closing program, iginawad nina Sec. Maguindra, ASEC Disimban at Dir. Kally Dimalen sa mga Provincial Agricultural Officers kasama ang mga PIOs ang siyam na klaseng HVCDP at FSSP technoguide na may kabuang dami na 6,360 copies para ipamahagi sa mga MAOs, ATs, LGU at stakeholders sa kanilang lugar.(rafid-armm)