Pages

Police Report

Monday, February 11, 2013

Speech of President Aquino at the ceremonial launch of the Sajahatra Bangsamoro Program, February 11, 2013

Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa paglulunsad ng Sajahatra Bangsamoro Program

[Inihayag sa Sultan Kudarat, Maguindanao, noong ika-11 ng Pebrero 2013]
Pangulong PNOY AQUINO III
Chairman Al Haj Murad Ebrahim; Chairman of the Peace Panel, Mohager Iqbal; Governor Esmael Mangudadato; Governor Mujiv Hataman; Representative Jess Sacdalan; Representative Daisy Fuentes, alam po n’yo ito ‘yung Deputy Speaker namin nang ako po’y baguhan sa kongreso at kasamahan ho rin natin siya noong mga panahon ng Martial Law; ating work horse sa Liberal Party; ating Secretary General Mel Senen Sarmiento; ‘yong Gabinete po ipapakilala kong isa-isa dahil sila po kasama ko nangangako sa inyo, para ‘pag dumating at hindi nai-deliver, alam po n’yo kung sino kung sino ang tutukuyin at sisisihin. [Laughter]

Umpisahan po natin sa dulo, iterno na natin ang cabsec at comsec. Diretso na tayo sa DepEd, si Bro. Armin Luistro; Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon, Jun Abaya; Si Procy Alcala po ng Agriculture, ‘yan po ang maraming commitment sa inyo; siyempre si Lou Antonino ng Mindanao Development Authority; Tati Licuanan ng Commission on Higher Education; Dinky Soliman ng DSWD; Voltz Gazmin ng DND; Ike Ona ng Department of Health; at siyempre ‘yong pinakaimportante po dito, ‘yong sa Budget and Management, na baka hindi magpalabas ng pondo, Butch Abad; [laughter]
Liliwanagin ko lang ho ulit, ‘pag may kulang, tukuyin po n’yo ‘yong Secretary [na] nagkulang at idamay n’yo si Butch Abad dahil siya po ang ang may tangan ng pananalapi. [Laughter]

Atin pong Chief of Staff Manny Baustista and the Major Service Commanders; Lt. Gen.  Lauro Catalino de la Cruz; Vice Admiral Jose Luis Alano; Lt. Gen. Noel Coballes; PNP Dir. Gen. Alan Purisima; representatives of our international partner organizations; members of the MILF Central Committee and Peace Negotiating Panel; beneficiaries of the different services of the government and members of the MILF community; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:
As-salamu alaykum!

Nagsimula po ang kasalukuyang kabanata ng ating paglalakbay tungo sa kapayapaan—hindi rito sa Sultan Kudarat, at hindi rin sa Maynila. Una ko pong nakaharap ang ating kapatid na Al Haj Murad Ebrahim sa bansang Hapon, noong Agosto ng 2011. Medyo naging masalimuot po ang pagmumuni ukol sa una kong pakikipagkita kay Al Haj Murad; natural ang magkaroon ng mga agam-agam kung maganda ba ang maidudulot ng aking personal na pagharap sa liderato ng MILF. Sa huli, nagdesisyon po tayo: kailangang magpunla ng tiwala, upang sa wakas ay maiusad na ang Pilipinas tungo sa landas ng kapayapaan.
Pangulong PNOY AQUINO III

The first seeds of trust were planted as the MILF leadership and I met face-to-face in Japan in August of 2011. We watered those seeds with patience and fortitude and nourished them with hope: When some quarters called for a blanket, all-out-war against Moro rebels in October of 2011 after a bloody encounter between lawless elements and the military, we responded with a targeted pursuit of all-out-justice against the bandits involved. And again we’d like to thank the MILF who are partners in seeking this all-out-justice. The peace negotiations moved forward unhindered by secrecy and manipulation, and propelled by solidarity towards the shared goal of empowering every Filipino in the ARMM. Others have stumbled in the past, and we were determined not to make the same mistakes, we were determined not to succumb to indiscriminate knee-jerk reactions borne out of anger, or to cast aside true consensus, or favor concealment over transparency in negotiations. And so, in October of last year, the first fruits of our hard work became enshrined in a Framework Agreement on the Bangsamoro, which was signed by both panels and was witnessed by Moro, civil society, and government stakeholders in MalacaƱang.

At ngayon po, ang ipinapakita natin sa pamamagitan nitong Sajahatra Bangsamoro Program: Hindi na kailangang maghintay ng mahabang panahon upang madanas ang pagbabago; ang puwedeng simulan o ipatupad ngayon, sisimulan at ipapatupad natin ngayon. Hindi na kailangang tumanda ng labing-isang libong benepisyaryo ng MILF nang hindi nasasaklaw ng PhilHealth coverage o ng Cash for Work program. [Applause] Hindi na po kailangang mamuti ng buhok ng mga komunidad sa kakahintay, at kung katulad ko po’y wala ng mamumuti talagang napakatagal po n’on [laughter], para ma-upgrade ang kanilang health facilities. Hindi na kailangang mag-abang ang limandaang kabataang Moro ng maraming taon para makapag-aral, dahil sa ipamamahaging mga scholarship sa ilalim ng programang ito.

Our goal: To accelerate the transition of MILF communities steeped in armed struggle to a productive citizenry that buys into the national agenda, and contributes to our shared goal of equitable progress. When once they treated themselves with herbs from the jungle, soon they will have health insurance, and will be cared for by trained doctors and nurses in state-funded health centers. When once children were taught merely the histories of suffering inside their madaris, soon they will also learn that peace can triumph—so long as we open our hearts and allow ourselves to trust our fellow men. And when once they felt oppressed under the cloud of conflict, soon they will feel empowered, illumined by the daylight of peace.

Simula pa lamang po itong Sajahatra Bangsamoro Program; isang sangay sa malawak na istratehiya ng pag-aangat ng buhay ng ating mga mamamayan, at pagsigurong walang Pilipinong maiiwan sa pagtahak ng tuwid na daan. Halimbawa po, ang butihing Secretary Procy ng Department of Agriculture ay may isang kwento: may isa raw pong dating fourth class municipality, sinuportahan sa pamamagitan ng goat raising initiative. Ang balita niya po sa atin ngayon, alas diyes pa lang daw ho ng umaga, nabili na ang lahat ng karne ng kambing na pinagbebenta dito sa municipality na ito at mula fourth class po, ngayon daw po ay second class municipality na; ganoon kalaki ang idinagdag na income dahil lang po sa kambing. [Applause] ‘Pag lumingon po tayo sa kapaligiran, napakaberde po ng tanawin. Marami pong nakatiwangwang na puwedeng pagkatitaan ng mga nagbubungkal ng lupang ito. Bakit hindi puwedeng mangyari ang nangyari sa ibang pang mga lugar ang mangyaring asenso dito po sa inyo? Ang mga isda pong hinuhuli sa mga laot ng ARMM, kapag nabuo ang bagong nautical highway, puwede nang umabot sa ibang bahagi ng Pilipinas nang hindi nabibilasa. Alam po n’yo, ‘yong bagong nautical highway, inaasam-asam, na imbes na tatlong araw ang lakbay, Luzon-Mindanao, magiging labinlimang oras na lang. [Applause]

Kinakaya po nating pangarapin ang mga ito, dahil sa tiwalang ipinapakita ng liderato ni kapatid na Al Haj Murad at ng central committee ng MILF at pati na rin po ang inyong mga fighters. Alam ko pong hindi madali ang magbukas ng puso sa gobyerno matapos ang apat na dekadang pakikipaglaban. Ngunit nakita po ni Al Haj Murad: Ito na ang pagkahinog ng mga sakripisyo ninyo, ni Hashim Salamat na nauna sa kanya, at ng napakarami pang mga kapatid na dumaan sa pasakit upang makamtan ang kapayapaan at sapat na kalinga mula sa estado at sa gobyerno. Hindi na kailangang baril ang ipamana sa susunod na henerasyon ng mga Moro.

Ang dati pong magkatunggali, ngayon, naghahatakan na sa iisang direksyon. Parang may bunga sa tuktok ng matayog na puno ng niyog na kaytagal na nating tinatanaw. Nagdesisyon po tayong tuntungan ang balikat ng isa’t isa, buo ang tiwala na walang biglang aalis at iiwan tayong nakalambitin sa puno habang pinipitas ang bunga ng niyog na pagkatagal-tagal na nating inaasam.
Tandaan din po natin: may ilan pa ring nagtatayo ng balakid upang hadlangan ang ating tagumpay. Isipin po ninyo, kapag pumalpak ang ating mga inisyatiba, sa amin ni Al Haj Murad, ang bato ng sisi—isasama ko na lang ho si Butch Abad. [Laughter] Lahat po ng naghirap para makarating sa puntong ito—ng liderato ng MILF, mga LGU na nakikiisa sa ating adhikain, mga coordination agency, mga ulama, mga CSO—pati na rin po ang ating security sector lahat po ng pinaghirapan natin, mapupunta sa wala. Abot-kamay na po ang bunga ng kapayapaang kay tagal nating inaasam-asam; ngayon pa ba tayo panghihinaan ng loob? [Applause]

Noong kami po ay na exile noong panahon ng Batas Militar, nakatira po kami sa Boston, at isa pong pamosong event sa Boston ang itinatawag na Boston Marathon. Dito po sa marathon na ‘to, halos sa huling milya na lang noong marathon, darating kayo sa isang puwesto ng Boston, ang tawag po nila’y “Heartbreak Hill”—dahil pagkahaba-haba ho ng takbo, darating kayo sa dulo na, natatanaw na halos iyong finish line: biglang paakyat. Imbes na pababa ho, paakyat. Kumbaga ho, nandoon na tayo sa puntong ito. Ang haba ho ng processong tinahak ng mga nauna sa atin para umabot tayo sa puntong itong nagkakaunawaan at intindihan.

Alam po natin na mayroong mga taong nakinabang noong may sigalot. Alam rin natin na mayroon pa ring naghahangad na ibalik ang dating sitwasiyon, na may naghahari-hari at ang nakararami ay naaapi. Kumbaga ho doon sa marathon, iyon daw ho ang subukan. Pagdating sa Heartbreak Hill, mayroon ka bang puso? Mayroon ka bang dibdib talaga? O ikaw ba’y handang sumugod? Habang lumalapit tayo sa tuktok po nitong “Heartbreak Hill,” lalong magiging parang maintriga, mahirap ang processo. Pero nagdala sa atin sa puntong ito, pagtitiwala sa isa’t isa. Kaninang umaga po, kahapon, ang dami hong nagsasabi sa akin na good luck sa pagdalaw ko sa inyo. Sabi ho nila sa akin, magingat ako. ‘Yung isa ho sabi, “Kailangan bang pumunta ka diyan?” Ang sabi ko, ganito na lang ho: Kung magiging tulay ako, sulit na yata iyong sakripisyo ng isang Noynoy kapalit ng napakarami nating mga kababayan. [Applause] At sinusuklian ko lang naman ang pagtitiwala ninyo, na talaga namang malayo-layo ang inaabot nating paguunawa dahil handa tayong magbigay sa bawat isa. Dahil handa tayong isipin ang kapwa bilang kapwa Pilipino, at hindi miyembro ng magkatunggaling mga paksyon. Nang dati po’y nag-aaway tayo at naging pahirapan para umangat, ngayon naman ho nagkasama-sama tayo. Palagay ko ho, bago ako bumaba sa puwesto, ang magiging problema natin iba na ho: hindi na po putukan. Ang problema natin, traffic. [Laughter] Baka ang problema na ho natin ‘pag peace and order baka hindi na po kidnapping; baka bank holdup dahil marami na pong pera dito sa lugar ninyo. [laughter]

Pero bago po ako magtapos, ito po ang pinakaimportante, bakit po tayo nagkaunawaan? Ididiin ko po, iyong MILF central leadership ay parang kabaro ko ho talaga. ‘Pag nagsasalita sila, walang nagsasabing ano ang akin? Parating “ano ang para sa amin?” Parating inuunawa iyong pinakamaliit. Bago ‘yong pinakamataas. Iniintindi ‘yong nakakarami bago ‘yong sarili. Eh kung ganyan po ang mga numumuno sa atin, eh paano po tayo mapipigilan sa ating pag-asenso at maging kaganapan na po iyong lupa ng pangako ng Mindanao ay maging pangakong nakita na, namalasan na, at talaga namang nangyayari na. [Applause]

Ako po’y hindi na magpapakahaba, tulad ho n’yo, tama na ‘yung salita, dirediretsyo na tayo sa gawa. Mayroon pa tayong natitirang three years and four months. Dapat naman ho sana’y, sabi nga kanina ni chairman, kailangan maging permanente ito at hindi depende sa mga taong nag-uusap ngayon. So kailangan po nating paspasan lahat ng ginagwa natin para nga maging permanente na ito. At pagdating ng panahon nga ho, siguro naman ho ‘pag natapos na po ‘yong termino ko, baka naman may ipagkaloob na ho sa atin ang Diyos, magho-honeymoon ho tayo. Siyempre, baka maimbita ako ni Chairman at sabihin niya dito ka muna magmeryenda at turista na tayo sa ARMM dahil ganoon na katahimik. [Laughter and applause] Dahil ako naman po ay pareho n’yo. Darating ang panahon, kung papalarin po akong may susunod ho sa akin, ay maipamana natin sa susunod na salinlahi: hindi na karahasan, hindi na pananakot, hindi na kaba ngunit talagang tanda na lahat ay maatim o makukuha ng Pilipinong nakakaisa. Magagawa po natin ‘yan ‘wag lang tayong bibitaw sa pagtitiwala sa isa’t isa.

Magandang araw po. Maraming Salamat po.

No comments:

Post a Comment