Pages

Police Report

Wednesday, February 10, 2016

Sining ng Pagsulat sa Wikang Filipino pinaunlad ng DepEd





DAPITAN CITY - Ang Department of Education (DepEd) ay nagsagawa ng tatlong araw na pagsasanay upang mas mapaunlad pa ang pagsusulat ng Wikang Filipino sa temang USWAG: DANGAL NG FILIPINO na ipinagkaloob para sa Pambansang Pagsasanay sa Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal, Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat at Mabisang Pagpapahayag na isinigawa noong Enero 29-31 doon sa Jose Rizal Memorial State University (JRMSU) main campus, Dapitan City.

Ang nasabing pagsasanay ay tinugunan ng Sentro ng Wika at Kultura ng JRMSU sa pakikipag-ugnayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.

Ito ay dinaluhan ng isang daan at limangput isa (151) na mga guro galling sa iba’t ibang paaralan sa Elementarya at Sekondarya sa buong lalawigan ng Zamboanga del Norte na nagtuturo ng wikang Filipino at mga mag-aaral sa kolihiyo ng JRMSU na kumukuha ng kursong Edukasyon.

Isa sa mga marangal na National Artist ang naging bisita ng naturang okasyon, Siya ay Presidente ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) KGG Virgilio S. Almario, sa kabisera Manila, sinasabi na ang ortograpiya ay ang sining ng pagsulat'.

Dagdag pa niya, Ang layunin nito ay' para sa mga guro upang matulungan silang mas mapahusay pa ang kanilang pagtuturo tungkol sa mga bagong alituntunin na kinakailangan sa pagtuturo ng wikang Filipino.

‘Ikinakalat namin ngayon sa buong Pilipinas na gamitin ang Filipino sa Opisyal Korespondensiya sa pagsulat’.

Saysay ni Kagalang-galang Almario. Ito ay basi sa R.A No. 7104, an act creating the Commission on the Filipino Language, prescribing its powers, duties and functions.

Kinakailangan ito upang madagdagan pa ang kaalaman at mapabuti ang paggamit at pagsulat ng wikang Filipino. (CID-Dapitan, Nena Garcia)

No comments:

Post a Comment