DAPITAN
CITY - Ang Department of Education (DepEd) ay nagsagawa ng tatlong araw na pagsasanay
upang mas mapaunlad pa ang pagsusulat ng Wikang Filipino sa temang USWAG:
DANGAL NG FILIPINO na ipinagkaloob para sa Pambansang Pagsasanay sa Pagsulat ng
Korespondensiya Opisyal, Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat
at Mabisang Pagpapahayag na isinigawa noong Enero 29-31 doon sa Jose Rizal
Memorial State University (JRMSU) main campus, Dapitan City.
Ang
nasabing pagsasanay ay tinugunan ng Sentro ng Wika at Kultura ng JRMSU sa
pakikipag-ugnayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Pambansang Komisyon
para sa Kultura at mga Sining.
Ito ay
dinaluhan ng isang daan at limangput isa (151) na mga guro galling sa iba’t
ibang paaralan sa Elementarya at Sekondarya sa buong lalawigan ng Zamboanga del
Norte na nagtuturo ng wikang Filipino at mga mag-aaral sa kolihiyo ng JRMSU na
kumukuha ng kursong Edukasyon.
Isa sa
mga marangal na National Artist ang naging bisita ng naturang okasyon, Siya ay
Presidente ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) KGG Virgilio S. Almario, sa
kabisera Manila, sinasabi na ang ortograpiya ay ang sining ng pagsulat'.
Dagdag
pa niya, Ang layunin nito ay' para sa mga guro upang matulungan silang mas
mapahusay pa ang kanilang pagtuturo tungkol sa mga bagong alituntunin na
kinakailangan sa pagtuturo ng wikang Filipino.
‘Ikinakalat
namin ngayon sa buong Pilipinas na gamitin ang Filipino sa Opisyal
Korespondensiya sa pagsulat’.
Saysay
ni Kagalang-galang Almario. Ito ay basi sa R.A No. 7104, an act creating the
Commission on the Filipino Language, prescribing its powers, duties and
functions.
Kinakailangan
ito upang madagdagan pa ang kaalaman at mapabuti ang paggamit at pagsulat ng
wikang Filipino. (CID-Dapitan, Nena Garcia)
No comments:
Post a Comment