Pages

Police Report

Saturday, May 14, 2016

Naiproklama na ang mga nanalong kandidato sa Dapitan


By: Nena M. Garcia                                     

Dapitan City, Z.N. May 14, 2016, Matapos ang ilang araw na paghihintay, naiproklama na ang mga nanalong lokal na kandidato sa Lungsod ng Dapitan kaninang hating gabi (11:55) sa Sangguniang Panlungsod session Hall.
  
Ginanap ang proklamasyon matapos naging matagumpay ang pagsasagawa ng canvassing of votes ng City Board of Canvassers na kinabibilangan nina Acting Election Officer, Chairman Cynthia D. Cabrera, Atty. Lynbert T. Lo, City Prosecutor II at DepED School Division Superintendent Teresita E. Cascolan, CESO IV, pagkatapos nang ilang araw na suspension dulot ng depektibong Consolidated Canvass system o CCS.
 
     
Naging 12-0 ang resulta ng bilangan pabor sa Aggrupation for Progress Parties o APP.  Panalo pa rin ang incumbent Mayor Rosalina G. Jalosjos na umani ng 24,155 boto laban kay Alfredo Sy na may boto 15, 051 lamang.  Samantalang lamang naman ng 5,414 si incumbent Vice-Mayor Ruben E. Cad kay LP Vice-Mayor Candidate, Joseph Cedrick Ruiz na may 15,546 boto lamang.


Sa kabilang dako, nangunguna pa rin sa pwesto si Jimmy Patrick Israel Jimboy Chan sa pagkakonsehal na may 23,157 na boto. Sinundan ito ni Alemarlou B. Dagpin, Edna Abad, Adora Recamara, Noel Sardane, Dug Christopher Mah, Jasmin Hamoy, Alexander Estacio, Amalou T. Monroyo,  at Roque Sapalleda.

No comments:

Post a Comment