By: Nena M.
Garcia
Dapitan City, Z.N. May 14, 2016, Matapos ang ilang araw
na paghihintay, naiproklama na ang mga nanalong lokal na kandidato sa Lungsod
ng Dapitan kaninang hating gabi (11:55) sa Sangguniang Panlungsod session Hall.
Ginanap ang proklamasyon matapos naging matagumpay ang pagsasagawa ng
canvassing of votes ng City Board of Canvassers na kinabibilangan nina Acting
Election Officer, Chairman Cynthia D. Cabrera, Atty. Lynbert T. Lo, City
Prosecutor II at DepED School Division Superintendent Teresita E. Cascolan,
CESO IV, pagkatapos nang ilang araw na suspension dulot ng depektibong
Consolidated Canvass system o CCS.
Naging 12-0 ang resulta ng bilangan pabor sa
Aggrupation for Progress Parties o APP. Panalo pa rin ang incumbent Mayor
Rosalina G. Jalosjos na umani ng 24,155 boto laban kay Alfredo Sy na may boto
15, 051 lamang. Samantalang lamang naman ng 5,414 si incumbent Vice-Mayor
Ruben E. Cad kay LP Vice-Mayor Candidate, Joseph Cedrick Ruiz na may 15,546
boto lamang.
Sa kabilang dako, nangunguna pa rin sa pwesto si Jimmy Patrick Israel
Jimboy Chan sa pagkakonsehal na may 23,157 na boto. Sinundan ito ni Alemarlou
B. Dagpin, Edna Abad, Adora Recamara, Noel Sardane, Dug Christopher Mah, Jasmin
Hamoy, Alexander Estacio, Amalou T. Monroyo, at Roque Sapalleda.
No comments:
Post a Comment