Pages

Police Report

Wednesday, January 16, 2013

Pagadian City Airport Pansamantalang ipasara kung ituloy ang barikada sa runway

by jong cadion

Pagadian City Airport
(Photo by Jong Cadion)
PAGADIAN CITY - Posibleng pansamantalang ipasara ang Pagadian City Airport kung sakaling ituloy ang planong pagbarikada ng mga may-ari ng portion ng runway para sa kaligtasan ng mga pasahero, ito ang sinabi ni Airport Manager Jose Budiongan nang Department of Transportation and Communications (DOTC).

Aniya pa ni Budiongan na wala siyang magagawa kung sakaling sakupin na ng may-ari ang portion ng runway pagkatapus na pinaboran na nang korte sa hukom nito ang pagmay-ari nang pamilyang Taug Boto sa presentasyon ni Sominal A. Taug.

Napag-alaman na umaabot na sa mahigit (13) labing tatlong taon ang pagdining ng nasabing kaso na inihain nang pamilya Datu Lucas Taug Boto. 
Airport Manager Jose Budiongan
Ng DOTC (Photo by Jong Cadion)
Dahil dito nagpalabas na rin ng Writ of Execution si Attorney Norlinda R. Amante-Descallar nang Clerk of Court noong December 26, 2016 pagkatapus na ibinaba ni Judge Edelberto Absin ng Regional Trial Court ng Ninth Judicial Region Branch 18 noong June 11, 2012 na nagsasabing legal ang pagmay-ari ng pamilyang Boto Taug at nag-utos sa DOTC na bayaran ang may-ari ng lupa sa halagang mahigit sa walong milyong pesos (Php8 milyon).

Samantalang sinabi rin ni Sominal Taug na matagal nang panahon nila itong hinihintay na mabayaran na ang kanilang lupain na mahigit sa tatlong (3) iktaryang lupain na matagal nga ring ginamit na runway sa paliparan ng DOTC (Pagadian City Airport).

Sominal Taug ang
may-ari ng Lupa,
(Kuha ni Maui Tecson)
Huminge rin nang tulong ang pamilyang Taug kay pangulong PNoy na mabigyan na sila nang katarongan at mabayaran na ng pamahalaan national ang kanilang lupain.

Dahil dito nag-abala ngayon ang mga negusyante at mga biyahero na galing sa mga lalawigan ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Lanao del Norte at Lanao del Sur na dito bumabiyaheng Pagadian-Cebu at Pagadian-Manila vice versa na senerbisyohan ng Cebu Pacific at Airphil.

Sinabi rin ni Pagadian City Mayor Samuel Co na malaki rin ang ipikto sa ekonomiya ang nasabing problema, dahil dito kinausap sa nasabing alkalde ang pamilyang nag may-ari ng isang linggong palugit na huwag na lamang ituloy ang planong barikada nila  sa runway at tutulong ito na mabayaran agad ng DOTC.

(from right) Mayor Co to negotiate the land owner with the 
Police COP P.Supt Munez (center) and Airport Manager 
Budiongan (right) in a conference (Photo by JONG CADION) 

No comments:

Post a Comment