Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa paglulunsad ng Sajahatra Bangsamoro Program
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa paglulunsad ng Sajahatra Bangsamoro Program
[Inihayag
sa Sultan Kudarat, Maguindanao, noong ika-11 ng Pebrero 2013]
Pangulong PNOY AQUINO III |
Umpisahan po natin sa dulo, iterno
na natin ang cabsec at comsec. Diretso na tayo sa DepEd, si Bro. Armin Luistro;
Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon, Jun Abaya; Si Procy Alcala po ng
Agriculture, ‘yan po ang maraming commitment sa inyo; siyempre si Lou Antonino
ng Mindanao Development Authority; Tati Licuanan ng Commission on Higher
Education; Dinky Soliman ng DSWD; Voltz Gazmin ng DND; Ike Ona ng Department of
Health; at siyempre ‘yong pinakaimportante po dito, ‘yong sa Budget and
Management, na baka hindi magpalabas ng pondo, Butch Abad; [laughter]
Liliwanagin ko lang ho ulit, ‘pag
may kulang, tukuyin po n’yo ‘yong Secretary [na] nagkulang at idamay n’yo si
Butch Abad dahil siya po ang ang may tangan ng pananalapi. [Laughter]
Atin pong Chief of Staff Manny
Baustista and the Major Service Commanders; Lt. Gen. Lauro Catalino de la
Cruz; Vice Admiral Jose Luis Alano; Lt. Gen. Noel Coballes; PNP Dir. Gen. Alan
Purisima; representatives of our international partner organizations; members
of the MILF Central Committee and Peace Negotiating Panel; beneficiaries of the
different services of the government and members of the MILF community; fellow
workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:
As-salamu alaykum!
Nagsimula po ang kasalukuyang
kabanata ng ating paglalakbay tungo sa kapayapaan—hindi rito sa Sultan Kudarat,
at hindi rin sa Maynila. Una ko pong nakaharap ang ating kapatid na Al Haj
Murad Ebrahim sa bansang Hapon, noong Agosto ng 2011. Medyo naging masalimuot
po ang pagmumuni ukol sa una kong pakikipagkita kay Al Haj Murad; natural ang
magkaroon ng mga agam-agam kung maganda ba ang maidudulot ng aking personal na
pagharap sa liderato ng MILF. Sa huli, nagdesisyon po tayo: kailangang magpunla
ng tiwala, upang sa wakas ay maiusad na ang Pilipinas tungo sa landas ng
kapayapaan.
The first seeds of trust were planted
as the MILF leadership and I met face-to-face in Japan in August of 2011. We
watered those seeds with patience and fortitude and nourished them with hope:
When some quarters called for a blanket, all-out-war against Moro rebels in
October of 2011 after a bloody encounter between lawless elements and the
military, we responded with a targeted pursuit of all-out-justice against the
bandits involved. And again we’d like to thank the MILF who are partners in
seeking this all-out-justice. The peace negotiations moved forward unhindered
by secrecy and manipulation, and propelled by solidarity towards the shared
goal of empowering every Filipino in the ARMM. Others have stumbled in the
past, and we were determined not to make the same mistakes, we were determined
not to succumb to indiscriminate knee-jerk reactions borne out of anger, or to
cast aside true consensus, or favor concealment over transparency in
negotiations. And so, in October of last year, the first fruits of our hard
work became enshrined in a Framework Agreement on the Bangsamoro, which was
signed by both panels and was witnessed by Moro, civil society, and government
stakeholders in Malacañang.
At ngayon po, ang ipinapakita natin
sa pamamagitan nitong Sajahatra Bangsamoro Program: Hindi na kailangang
maghintay ng mahabang panahon upang madanas ang pagbabago; ang puwedeng simulan
o ipatupad ngayon, sisimulan at ipapatupad natin ngayon. Hindi na kailangang
tumanda ng labing-isang libong benepisyaryo ng MILF nang hindi nasasaklaw ng
PhilHealth coverage o ng Cash for Work program. [Applause] Hindi na po
kailangang mamuti ng buhok ng mga komunidad sa kakahintay, at kung katulad ko
po’y wala ng mamumuti talagang napakatagal po n’on [laughter], para ma-upgrade
ang kanilang health facilities. Hindi na kailangang mag-abang ang limandaang
kabataang Moro ng maraming taon para makapag-aral, dahil sa ipamamahaging mga
scholarship sa ilalim ng programang ito.
Our goal: To accelerate the
transition of MILF communities steeped in armed struggle to a productive citizenry
that buys into the national agenda, and contributes to our shared goal of
equitable progress. When once they treated themselves with herbs from the
jungle, soon they will have health insurance, and will be cared for by trained
doctors and nurses in state-funded health centers. When once children were
taught merely the histories of suffering inside their madaris, soon they
will also learn that peace can triumph—so long as we open our hearts and allow
ourselves to trust our fellow men. And when once they felt oppressed under the
cloud of conflict, soon they will feel empowered, illumined by the daylight of
peace.
Simula pa lamang po itong Sajahatra
Bangsamoro Program; isang sangay sa malawak na istratehiya ng pag-aangat ng
buhay ng ating mga mamamayan, at pagsigurong walang Pilipinong maiiwan sa
pagtahak ng tuwid na daan. Halimbawa po, ang butihing Secretary Procy ng
Department of Agriculture ay may isang kwento: may isa raw pong dating fourth
class municipality, sinuportahan sa pamamagitan ng goat raising initiative. Ang
balita niya po sa atin ngayon, alas diyes pa lang daw ho ng umaga, nabili na
ang lahat ng karne ng kambing na pinagbebenta dito sa municipality na ito at
mula fourth class po, ngayon daw po ay second class municipality na; ganoon
kalaki ang idinagdag na income dahil lang po sa kambing. [Applause] ‘Pag
lumingon po tayo sa kapaligiran, napakaberde po ng tanawin. Marami pong
nakatiwangwang na puwedeng pagkatitaan ng mga nagbubungkal ng lupang ito. Bakit
hindi puwedeng mangyari ang nangyari sa ibang pang mga lugar ang mangyaring
asenso dito po sa inyo? Ang mga isda pong hinuhuli sa mga laot ng ARMM, kapag
nabuo ang bagong nautical highway, puwede nang umabot sa ibang bahagi ng
Pilipinas nang hindi nabibilasa. Alam po n’yo, ‘yong bagong nautical highway,
inaasam-asam, na imbes na tatlong araw ang lakbay, Luzon-Mindanao, magiging
labinlimang oras na lang. [Applause]
Kinakaya po nating pangarapin ang
mga ito, dahil sa tiwalang ipinapakita ng liderato ni kapatid na Al Haj Murad
at ng central committee ng MILF at pati na rin po ang inyong mga fighters. Alam
ko pong hindi madali ang magbukas ng puso sa gobyerno matapos ang apat na
dekadang pakikipaglaban. Ngunit nakita po ni Al Haj Murad: Ito na ang
pagkahinog ng mga sakripisyo ninyo, ni Hashim Salamat na nauna sa kanya, at ng
napakarami pang mga kapatid na dumaan sa pasakit upang makamtan ang kapayapaan
at sapat na kalinga mula sa estado at sa gobyerno. Hindi na kailangang baril
ang ipamana sa susunod na henerasyon ng mga Moro.
Ang dati pong magkatunggali, ngayon,
naghahatakan na sa iisang direksyon. Parang may bunga sa tuktok ng matayog na
puno ng niyog na kaytagal na nating tinatanaw. Nagdesisyon po tayong tuntungan
ang balikat ng isa’t isa, buo ang tiwala na walang biglang aalis at iiwan
tayong nakalambitin sa puno habang pinipitas ang bunga ng niyog na
pagkatagal-tagal na nating inaasam.
Tandaan din po natin: may ilan pa
ring nagtatayo ng balakid upang hadlangan ang ating tagumpay. Isipin po ninyo,
kapag pumalpak ang ating mga inisyatiba, sa amin ni Al Haj Murad, ang bato ng
sisi—isasama ko na lang ho si Butch Abad. [Laughter] Lahat po ng
naghirap para makarating sa puntong ito—ng liderato ng MILF, mga LGU na
nakikiisa sa ating adhikain, mga coordination agency, mga ulama, mga CSO—pati
na rin po ang ating security sector lahat po ng pinaghirapan natin, mapupunta
sa wala. Abot-kamay na po ang bunga ng kapayapaang kay tagal nating
inaasam-asam; ngayon pa ba tayo panghihinaan ng loob? [Applause]
Noong kami po ay na exile noong
panahon ng Batas Militar, nakatira po kami sa Boston, at isa pong pamosong
event sa Boston ang itinatawag na Boston Marathon. Dito po sa marathon na ‘to,
halos sa huling milya na lang noong marathon, darating kayo sa isang puwesto ng
Boston, ang tawag po nila’y “Heartbreak Hill”—dahil pagkahaba-haba ho ng takbo,
darating kayo sa dulo na, natatanaw na halos iyong finish line: biglang
paakyat. Imbes na pababa ho, paakyat. Kumbaga ho, nandoon na tayo sa puntong
ito. Ang haba ho ng processong tinahak ng mga nauna sa atin para umabot tayo sa
puntong itong nagkakaunawaan at intindihan.
Alam po natin na mayroong mga taong
nakinabang noong may sigalot. Alam rin natin na mayroon pa ring naghahangad na
ibalik ang dating sitwasiyon, na may naghahari-hari at ang nakararami ay
naaapi. Kumbaga ho doon sa marathon, iyon daw ho ang subukan. Pagdating sa
Heartbreak Hill, mayroon ka bang puso? Mayroon ka bang dibdib talaga? O ikaw
ba’y handang sumugod? Habang lumalapit tayo sa tuktok po nitong “Heartbreak
Hill,” lalong magiging parang maintriga, mahirap ang processo. Pero nagdala sa
atin sa puntong ito, pagtitiwala sa isa’t isa. Kaninang umaga po, kahapon, ang
dami hong nagsasabi sa akin na good luck sa pagdalaw ko sa inyo. Sabi ho nila
sa akin, magingat ako. ‘Yung isa ho sabi, “Kailangan bang pumunta ka diyan?”
Ang sabi ko, ganito na lang ho: Kung magiging tulay ako, sulit na yata iyong
sakripisyo ng isang Noynoy kapalit ng napakarami nating mga kababayan. [Applause]
At sinusuklian ko lang naman ang pagtitiwala ninyo, na talaga namang
malayo-layo ang inaabot nating paguunawa dahil handa tayong magbigay sa bawat
isa. Dahil handa tayong isipin ang kapwa bilang kapwa Pilipino, at hindi
miyembro ng magkatunggaling mga paksyon. Nang dati po’y nag-aaway tayo at
naging pahirapan para umangat, ngayon naman ho nagkasama-sama tayo. Palagay ko
ho, bago ako bumaba sa puwesto, ang magiging problema natin iba na ho: hindi na
po putukan. Ang problema natin, traffic. [Laughter] Baka ang problema na
ho natin ‘pag peace and order baka hindi na po kidnapping; baka bank holdup
dahil marami na pong pera dito sa lugar ninyo. [laughter]
Pero bago po ako magtapos, ito po
ang pinakaimportante, bakit po tayo nagkaunawaan? Ididiin ko po, iyong MILF
central leadership ay parang kabaro ko ho talaga. ‘Pag nagsasalita sila, walang
nagsasabing ano ang akin? Parating “ano ang para sa amin?” Parating inuunawa
iyong pinakamaliit. Bago ‘yong pinakamataas. Iniintindi ‘yong nakakarami bago
‘yong sarili. Eh kung ganyan po ang mga numumuno sa atin, eh paano po tayo
mapipigilan sa ating pag-asenso at maging kaganapan na po iyong lupa ng pangako
ng Mindanao ay maging pangakong nakita na, namalasan na, at talaga namang
nangyayari na. [Applause]
Ako po’y hindi na magpapakahaba,
tulad ho n’yo, tama na ‘yung salita, dirediretsyo na tayo sa gawa. Mayroon pa
tayong natitirang three years and four months. Dapat naman ho sana’y, sabi nga
kanina ni chairman, kailangan maging permanente ito at hindi depende sa mga
taong nag-uusap ngayon. So kailangan po nating paspasan lahat ng ginagwa natin
para nga maging permanente na ito. At pagdating ng panahon nga ho, siguro naman
ho ‘pag natapos na po ‘yong termino ko, baka naman may ipagkaloob na ho sa atin
ang Diyos, magho-honeymoon ho tayo. Siyempre, baka maimbita ako ni Chairman at
sabihin niya dito ka muna magmeryenda at turista na tayo sa ARMM dahil ganoon
na katahimik. [Laughter and applause] Dahil ako naman po ay pareho n’yo.
Darating ang panahon, kung papalarin po akong may susunod ho sa akin, ay
maipamana natin sa susunod na salinlahi: hindi na karahasan, hindi na
pananakot, hindi na kaba ngunit talagang tanda na lahat ay maatim o makukuha ng
Pilipinong nakakaisa. Magagawa po natin ‘yan ‘wag lang tayong bibitaw sa
pagtitiwala sa isa’t isa.
Magandang araw po. Maraming Salamat
po.
No comments:
Post a Comment