TUBOD Lanao del Norte (Dec. 25, 2018) - Umabot sa mahigit 940 na mga sasakyan na may ibat ibang paglabag sa batas trapiko ang nahuli ng Land Transportation Office Tubod Lanao del Norte ngayung taon mas mataas ng mahigit 200 nuong taong 2017.
Ayun kay LTO Tubod District Office head Malic Sultan na mas maraming mga kabataan ang nagmamaniho na walang mga lisensya at mga walang rehistro.
Target ng LTO sa susunod na taon na mas palalakasin pa nila ang panghuhuli sa mga kabataan na nagmamaneho ng mga single motor na mga walang lisensya para maiwasan ang mga disgrasya sa mga pangunahing kalsada sa probinsya.
Samantalang umabot ng mahigit 30.5 milyon ang kita ng LTO ngayung taon kumpara sa 27.3 milyon nuong taong 2017 o mas mataas ng mahigit 3 milyon. Bunga umano ito sa puspusang kampanya ng kanilang opisina na "No Fixer" at ang magandang pamamalakad ng kanilang hepe.
Sunod sunod din ang kanilang mga road operation kung saan naka impound sila ng mahigit 394 na mga sasakyan na may ibat ibang paglabag sa batas trapiko o mas mababa kay sa nuong taong 2017 na kung saan umabot ng 403 ang kanilang na impound.
Ayun pa sa LTO opisyal na ngayung 2019 asahan ang kanilang sunod sunod na mga operation sa mga pangunahing kalsada laban sa mga nag driver na mga walang lisensya at mga sasakyan na mga walang rehistro.
Target nila ang mga kabataan dahil sila umano ang madalas na didisgrasya at para umano maiwasan ito. Palalakasin din nila ang kanilang kampanya sa mga kabataan at magulang kung papaano ang magmaneho na makaiwas sa disgrasya. (Mike Navarro)
No comments:
Post a Comment