MARANDING Lala Lanao del Norte (Dec. 25,
2018) -
"Pagtutulongan at Pagkakaisa kasama ang panalangin sa Panginoon" ito
ang sinabi ni Shemy Marie Yap Undag Salimbangon ng kanilang ginunita ang isang
taon pananalasa ng bagyong vinta noong 2017 sa Barangay Maranding Lala Lanao
del Norte.
Sa
paggunita sa mga residente, kanilang binalikan ang kanilang karanasan nung
panahon na nanalasa ang bagyong vinta sa kanilang lugar kung saan ilan sa
kanila nawalan ng bahay at ang iba nawalan ng mga kamag-anak at mahal sa buhay.
Isang residente din ang hindi parin makapaniwala sa nangyari na binaha ang
kanilang lugar.
Daan
daang nga residente ang naapektuhan at mahigit 40 ka mga bahay ang nasira at
inanod sa nabanggit na barangay. Ang ibang apektado ay nakisilong sa NCMC isa
sa pinakamalaking Paaralan sa Lanao del Norte.
Ilang
mga kawani din sa nabanggit na paaralan ang nagbigay ng tulong sa mga residente
at ang iba ay apektado rin maging ang may ari ng paaralan ay naapektuhan pero
hindi sila huminto sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo at tuloy tuloy ang
kanilang pagbibigay ng tulong maging ang mga opisyal sa ng Bayan at ng
Probinsya.
Ngayung
ginunita ang isang taon ng pananalasa ng bagyo, nagsasagawa ang NCMC kasama ang
ACT Foundation ng isang Pasasalamat 2018 isang Praise and Worship at Panalangin
at namimigay din ito ng regalo sa mga pamilya na minsan ng nabiktima ng bagyo.(Mike
Navarro)
No comments:
Post a Comment