COTABATO CITY - Pinaiigting ng kagawaran ng pagsasaka sa buong bansa ang
kampanya sa wastong pangangalaga ng hayop na nakasaad sa 1998 RA # 8485.
Ito ang naging buod ng katatapos lamang na 2nd mid-year
Animal Welfare Information Planning Assessment Seminar-Workshop na ginanap sa
Bacolod Pavillon, Bacolod City noong June 18-21, 2013.
Tampok sa naturang aktibidad ang pagbigay ulat sa mga nagawa ng bawat
rehiyon kabilang ang issues and concerns hingil sa proseso ng Animal
Inspection, registration ng animal facilities gaya Veterinary Clinic, zoos, at
paaralarang may animal laboratory.
Ito ay dinaluhan ng mahigit tatlumpong mga veterinary doctors na
naitalaga bilang Regional Animal Welfare Officers (RAWO) kasama ang mga
Regional Agriculture and Fisheries Information (RAFID) Chief at Local
Government Unit (LGU) mula sa 16 na rehiyon ng bansa. Ang ARMM ay
kinatawanan nina RAFID Chief Kadiguia Abdullah at Animal Welfare Officer
Dr. Raheima Amba.
Nagbigay din ng ulat sa estado ng registration ng dalawang slaughter
house sa General Santos sa ilalim ng Australian Standard.
Mariing ipinaliwang ni Engr Emelita Dagananan ng DILG-CO ang
tungkulin ng LGU hinggil sa pagpapatupad ng Animal Welfare program at
ang joint circular ng DA at DILG hinggil sa deputation ng Animal Welfare
Officer sa mga probinsiya, lungsod at 1st class municipalities.
Ang Animal Kingdom Foundation sa pamamagitan ni Atty. Heidie Coquia ay
ibinahagi din ang experiences at ilang kaalaman hinggil sa pagsalamuha nila sa
community protecting the welfare of animal.
Naging mahalagang bahagi din sa akibidad ang stratetegic communication
workshop na pinangasiwaan nina Ms. Marikit Castello at Ms. Elaine
llanera ng UPLB. Dito ang priority na target audience ng Animal
Welfare practices & behavior, what needs to be done, messages
at media channel na gagamitin para maparating ang tamang mensahe.
Ang output ng workshop sa paggawa ng Information Education Campagin
material ay pararamihin sa rehiyon at ipamahagi sa trainings,
meetings, caravan bilang panimula ng adbokasiya. Ang mensahe ay nakatuon sa
limang animal welfare freedom gaya ng: Freedom from hunger at thirst’ Freedom
from discomfort; freedom from pain injury or disease; freedom from express
normal behavior at freedom from fear and distress.
Nagtapos ang adktibidad sa pamamagitan ng educational tour sa stock farm
at ranso ng Negros Occidental sa Sta. Rosa, Murcia na pinangangasiwaan ng
Provincial Veterinary Office. (rafid-armm)
No comments:
Post a Comment