ARMM Gov. Mujiv S. Hataman |
COTABATO CITY - Sa simpleng seremonya noong hapon ng biyernes sa harap ng gusali ng ORG, itinurn-over ni Executive Secretary Atty. Anwar Malang kay DAF Regional Secretary Engr. Marites Maguindra ang farm inputs at equipment na tulong ni ARMM Regional Governor Mujiv S. Hataman sa mga magsasakang dumanas ng hagupit ng bagyong Pablo sa ARMM.
Ang mga farm inputs at equipment na itinurn-over ay
kinabilangan ng tig-10 units ng hand tractor na may makinang 10 horsepower at
kalakit din ang 10 trailers. Ang bawat trailer ay may lulang tig-20 sakong
sertipikadong binhi ng palay na may timbang na 40 kilo gramo bawat sako at
sampung knapsack sprayers.
Ayon kay Malang, ang naturang tulong mula sa
economic funds ni Governor Hataman ay inilaan para sa apektadong rice
farmers ng bagyong Pablo sa Lanao del sur at Maguindanao.
Tiniyak naman ni Secretary Maguindra na
makararating agad sa mga magsasaka ang nasabing tulong kapag
matukoy agad kung sino-sino ang magsasaka o grupong magsasaka ang labis na
sinalanta ng Pablo ang sakahan.
Kaalinsabay din sa naturang turn-over ceremony ang
pamamahagi ng insintibo sa mga utility workers na nagpapanatili ng kalinisan sa
loob at paligid ng ORG compound. (RAFID-ARMM)
No comments:
Post a Comment