COTABATO CITY - Nagtapos kahapon sa Shariff Kabunsuan
Cultural Complex dito sa lungsod ang dalawang daan at apatnaput limang (245)
mga magsasaka mula sa pitong bayan sa Maguindanao na sumailalim ng tatlong
buwang Farmers' Field School o FFS.
Ayon kay Dr. Salik B. Panalunsong, provincial agricultural
officer ng Maguindanao, ang naturang mga magsasaka ay mula sa Pagalungan, Datu
Paglas, Sultan Kudarat, Guindulungan, Datu Saudi, Salibo at Datu Piang ay
naturuan ng mga DA extension workers ukol sa package of technology ng
pagtatanim ng palay sa pamamagitan ng FFS kung saan tampok sa
pagtuturo ang actual na mga gawain sa sakahan.
Dagdag pa ni Panalunsong na bahagi ito ng Technical
Cooperation Project o TCP 5 na pinupondohan ng Japan International
Cooperation Agency (JICA) at ipinapatupad naman ng Department of Agriculture
and Fisheries, Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Integrated
Agricultural Research Center ng ARMM at sa pakipagtulungan ng Local Government
Units.
Hangarin ng TCP 5 na tatas ang produksiyon ng palay at
madagdagan ang kita ng mga magsasaka upang makamit ang kapayapaan at kaayosan
sa ARMM, ani Panalunsong.
Naging panauhin sina JICA Senior Specialist for ARMM
KAzudo ZUO, ARMM Cabinet Secretary Nurkalila Campong na kumatawan kay Governor
MUjiv S. Hataman, Regional Secretary Marites Maguindra, PhilRice Branch Manager
Dr. Rodolfo Escabarte at iba pang opisyales.
Naging mahalagang bahagi din ng naturang okasyon ang
pamamahagi ng diploma at starter seeds sa mga nasipagtapos at pagbigay ng
impresyon ng farmer-leader ng bawat
grupo.
Samantala, sa pagpapatupad ng naturang field schools,
isa sa mga FFS na binisita ng mga opisyales ng JICA at TCP 5 ay ang field
school ng mga farmer-beneficiaries ng Barangay Magaslong, Salibo kung saan
ang kanilang sakahan ng palay ay nasa bahagi ng Ligawasan Marsh. Ang
ginawang kamang-punlaan ay water hyacinth na nasa tubig at ito ay
binaliktad na may sukat na 4ftx 8ft.
Nilagyan ito ng lupa mula sa ilalim ng tubig
at ipinorma ito gaya ng karaniwang kamang-punlaan na nakikita natin
sa mga palayan.
Gumawa pa ng maraming kamang-punlaan ang mga
magsasaka doon din mismo sa marshy area ng nasabing barangay para doon
ilipat-tanim ang punla ng palay.
Napag-alaman mula sa mga Hapones na nakakamangha
ang naturang FFS dahil ang nakita nila sa ibang lugar ay nilalagyang ng
floaters ang mga kamang-punlaan para hindi lulubog sa tubig, subalit ang gawa
ng mga magsasaka ng Barangay Magaslong ay hindi nilagyan ng floaters ang
punlaan kundi itinali na lamang ang magkabilang dulo ng kamang-punlaan sa poste
ng kawayang upang hindi madala ng agos ng tubig o maanod. (PRESS RELEASE FROM RAFID-ARMM)
No comments:
Post a Comment