By Ely Dumaboc
Patay na ng matagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries on Aquatic Fesource o (BFAR) at ng Philippine Coastguard sa pangunguna ni Lt Luduvico Librilla ang isang Killer Whale o balyena na nasa 1.5 milya ang layo mula sa baybaying bahagi ng basilan kaninang umaga.
Agad na isinakay sa BFAR boat na nagpapatrolya sa karagatan ng Basilan at Zamboanga ang namatay na balyena para masuri sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan dito sa Zamboanga City ang dahilan ng pagkamatay nito.
Ayon pa kay Zamboanga Coastguard Lt
Commander Eliezer Dalnay, umabot sa labing dalawang metro ang haba ng
dambuhalang isda, subalit di pa matukoy kung ilang araw na itong
nagpalutang-lutang sa karagatan ng Basilan.
Naunang napaulat sa kanilang tanggapan nito
lamang nakaraang Setyembre 14, 2012 na may isang sasakyang pandagat na
nakabangga ng isang malaking bagay sa nasabing lugar, subalit hindi matiyak ng
mga tripulante kung ito nga ay isda.
Pinagkakaguluhan pa ng mga taga Zamboanga ang
namatay na malaking isda, na idinaan dito sa daungan sa kabila ng masangsang na
amoy nito, dahil ito na umano ang pinakamalaking isda na napadpad sa karagatan
ng Zamboanga at Basilan na kanilang nakita.
Isang higanting isda ang
natagpuang patay sa mga tauhan ng BFAR doon sa karagatanng Basilan at dinala sa daungan ng Zamboanga City upang matukoy ang dahilan ng pagklamatay. (By Jong Cadion) |
Patay na ng matagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries on Aquatic Fesource o (BFAR) at ng Philippine Coastguard sa pangunguna ni Lt Luduvico Librilla ang isang Killer Whale o balyena na nasa 1.5 milya ang layo mula sa baybaying bahagi ng basilan kaninang umaga.
Agad na isinakay sa BFAR boat na nagpapatrolya sa karagatan ng Basilan at Zamboanga ang namatay na balyena para masuri sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan dito sa Zamboanga City ang dahilan ng pagkamatay nito.
Sa assessment naman ni Zamboanga City
Veterinarian Dr. Mario Aariola, na isang Sperm Whale ang nakita ng mga
coastguard kanina, dahil sa porma ng nguso at buntot nito.
Isang higanting isda ang
natagpuang patay sa mga tauhan ng BFAR sa doon karagatanng Basilan at dinala sa daungan ng Zamboanga City upang matukoy ang dahilan ng pagklamatay. (By Jong Cadion) |
Matapos masuri ang dambuhalang isda ay dadalhin
ito sa compound ng Marine Science and Technology para mailibing ito ng maayos
ng pamahalaang panglungsod ng Zamboanga.