Welcome to MINDANAO PAGADIAN FRONTLINE Your Paperless and Independent News and Information Service based in Pagadian City EMAIL us: jongcadz@gmail.com or call/text at mobile number 09481487880 or 09159166261 for your news and articles submissions.

Tuesday, October 30, 2012

Barangay Food Terminal Operators Summit ng ARMM Ginanap

JONG CADION

COTABATO CITY - Sa Kauna-unahang pagkakataon isinagawa ng Department of Agriculture & Fisheries sa Autonomous Region Muslim Mindanao sa pamamagitan ng Agribusiness marketing Assistance Division sa Pangunguna ni Chief Felix Mosne ang dalawang-araw na  Barangay Food Terminal Operators Summit na ginanap dito sa lungsod ng Cotabato.

Ito ay pinasimulan kaninang umaga, October 30 at magtatapos  bukas, October 31, 2012.
Layuning ng summit na mapag-usapan ang estado ng proyekto kabilang ang issues at concerns na nakaka apekto sa pagpapatupad ng program gayon din ang bilang paghahanda rin sa partisipasyon ng ARMM sa gagawing National BFT Summit.

Sa ulat ni Mr. Mosne mayroong pitumpot-dalawang BFT na ang naipatupad ng DAF mula pa noong 2008 na may kabuohang pundo na P32.4 million pesos na pinunduhan ng DA- central Office. 67 BFT ay operational at ang 5 BFT ay kailangan pang e-re-active/strengthen sa mga kadahilanang di maiiwasan.

Ang BFTs ay matatagpuan sa 5 lalawigan ng ARMM katulad ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu and Tawi-Tawi.

Naging Panauhing tagapagsalita Si DA-CO AMAS Director Leandro H. Gasmin. Binigyan diin niya ang mga supportang ibibigay sa BFT Operators.
Hinikayat niya ang mga partisipante na paigtingin pa ang pagpapatupad at makilahok sa Search for Gawad-Saka Outstanding BFT ng Pilipinas na P350thousand pesos na papremyo sa National Level at P50thousand  naman para sa Regional Level.

Ang guidelines ng Gawad-Saka Search ay ipinaliwanag in Ms. Leny Pecson mula sa DA-central Office, habang ang Credit program for BFT ay ipinaliwanag ng land Bank of the Philippines, Cotabato Branch.

Nagpunta at nagbigay rin ng mensahe sa naturang program sina DAF RS Engr. Marites Maguindra, ASEC Pendatun Disimban, at Director Kalunsiang Dimalen .

Naglahad din ng success stories ang apat sa mga BFT beneficiaries. Ito ay ang NEO Iranon MPC sa Barira, Urban MPC ng buldon, Maguindanao, RIC ng Wao at Bacolod Kalawi  ng Lanao del Sur.

Bukas tatalakayin ang techniques and strategies in marketing ni Dr. Norodin Salam ng CCSPC graduates studies at SWOT analysis in Tong Abas ng ARMMIARC, ayon pa ni Hja. Kadiguia R. Abdulah and hepe ng RAFID-ARMM.

Magkakaroon din workshop at presentation bago magtapos ang summit. (with reports from rafid-armm)

Inside Stories

Most Read Article

YOUR PAPERLESS and Independent NEWS and Information SERVICE
This NEWS BLOG is set up by MINDANAO PAGADIAN Frontline online editor JONG D. CADION for news archiving purposes and future references. Re-publication of news and photos from this BLOG need permission from the administrators. External links to other websites should not be construed as an endorsement of the views or privacy policies contained therein.